Huwebes, Pebrero 5, 2015

Paano ihandle ang pagne-negative ng prospect?

Rejection and negativity ito ang mga bagay na kinakaharap ng mga network marketers lalong lalo na sa baguhan pa lang sa networking....
Ang mga negative people din ang siyang pumapatay sa mga pangarap natin..
Sila din ang dahilan kung bakit ang iba sa network marketers ay pinanghihinahan ng loob at nawawalan ng tiwala sa sarili..
At ang iba naman na network marketers na hindi kinakaya ang ganitong rejection ay nag ku-quit sa MLM business....
Kaya dapat malaman ng bawat isa sa mga network
 marketers ay malaman kung paano i-handle
                                                                                    ang  mga negative na tao... 
Dito sa blog na ito ituturo ko sa inyo kung paano mag handle ng mga rejection.....

Sino ba ang mga pangunahing magne-negative sa atin?

Ang mga pangunahing magne-negative sa atin ay ang mga kaibigan, kamag-anak,kapit bahay, kakilala, kaaway. Kaya kailangan mong tanggapin na kung sino pa ang malapit sa'yo na inaasahan mong maniniwala sa'yo o open minded tungkol sa nakita mong opportunity na tulad mo ay sila pa ang magne-negative sa'yo.
Tulad na lang nang nangyari sakin nung nagsisimula palang ako sa MLM business, nung unang attend ko ng seminar ay halos hindi ako makatulog dahil sa nakita kong opportunity.
Alam niyo ba kung sino ang una kong inimbitahan sa nakita kong opportunity ay ang matalik kong kaibigan pero ang sagot niya sakin ay sige best ikaw muna saka na ako kapag may resulta kana sakit diba...?
pero hindi ako sumuko dahil gusto kong matupad lahat ng pangarap ko kaya ang ginawa ko nag aral pa ako ng maigi about MLM business...

Pero bakit kaya ganun noh..? Kase kilala ka nila alam nila kung anung buhay na meron ka alam nila kung ano ang ugali mo, kung ano ang narating mo sa buhay mo.Yan kasi ang magiging basehan nila para malaman nila kung magiging successful talaga sa MLM business...

Pero wag mong hayaan na ibang tao malapit man sa'yo o hindi, ang humahadlang mula sa kung ano ang gusto mong ma achieve sa buhay.kung ang kamag-anak, kaibigan or kahit na sino pa ang ang mag negative sa'yo o ayaw sumubok dahil sa gusto nila na may makitang resulta muna sa'yo ay wag kang panghinaan ng loob, mag focus ka lang sa MLM business at pag aralan ng maigi o alamin kung ano ba ang makakatulong sa'yo para mag success....

Paano ihandle ang pagne-negative ng prospect tip #1


Ang una mong kailangan matutunan ay kung paano kumausap ng tao na sa tingin mo ay magiging magaan ang loob nila sa'yo..
kailangan unang tingin palang nilasa'yo ay hindi ka na pagdududahan. Kung mapapansin mo sa ginagawa ng karamihan ay pinatataas pa ang bilang ng negative na kanilang natatanggap. Dapat din nating unawain na ang iyong product or company ay hindi magiging good fit para sa iyong prospect.
Kaya sa halip na iharap sa kanila ang rason kung bakit kailangan nila sumali sa MLM o home based business o ang iyong company ang pinaka maganda sa lahat,alamin mo muna kung ano ba ang problema ng prospect mo or kung ano ba ang kailangan niya. Saka mo sabihin sa kania kung ano ba ang maitutulong sa kanya ng company na meron ka ....
wag kang mag present ng mag present hanggat hindi mo nakikilala yung prospect mo baka mamaya banat ka ng banat na mahirap maging empleyado tapus ung kausap mo eh negosyante pala, talagang mare-reject ka dahil hindi siya empleyado. At ipa realize mo sa prospect mo na hindi mo siye nire-recruit para lang kumita ka ng komisyon sa kanila, ang kailangan ay maramdaman nila na tinutulungan mo sila sa mga problema nila..
kapag naramdaman nila na may concern ka sa kanila mag kakaroon sila ng tiwala sa'yo.

Paano ihandle ang pagne-negative ng prospect tip #2

 Mahalaga na hawag kang gumawa ng criticisms sa iyong prospect.Ang negatibong reaksyon o pananaw ng iba sa iyong network marketing business ay hindi sasalamin sa iyo bilang tao. Hindi mo dapat bigyan ang mga tao ng kasiyahan kapag alam nila na ang kanilang negative reaksyon o comments ay nakakasagabal o nakakasakit sa'yo.

Huwag madismaya sa mga taong hindi masaya sa napili mong network marketing.kung papayagan mong agawin ng ibang tao ang iyong pangarap, you will have a hard time succeeding in this business.

Ihiwalay ang iyong sarili mula sa mga negative mag isip at sa halip ay tanggapin ang katotohanan na habang hindi sila excited sa iyong potential success, marami paring tao d'yan na pwede mong makasama na may iisang mithiin, mga taong susuporta sa iyng goals at gustong makita ang iyong tagumpay.

Nakasalalay na ito sa iyong sarili at mag desisyon kung anong uri ng pamumuhay ang gusto mo para sa iyong sarili at sa iyong kamag anak. Tandaan mo palagi, walang ibang tutulong sa iyo na matupad ang lahat ng pangarap mo kundi ikaw lang. Huwag mong hayaan na ang negative people ang magpapatigil sa'yo para huminto ka sa MLM business..

Makisama sa mga taong positibo upang maiwasan ang panghinaan ng loob... Iwasan mo muna ang mga taong negatibo kung gusto mo matupag ang pangarap mo or mag success..

Sana nakatulong ako sa'yo upang hindi ka mag give up, alam kong kaya mo yan huwag mong kang susuko...
walang nagtatagumapay na sumusuko .. :)  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento